Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga LGU na lumobo virus case pinahigpitan

0 274

Pinaalalahanan ng National Task Force on COVID-19 ang mga lokal na opisyal kung saan may pagtaas ng COVID cases na higpitan ang ipinatutupad na minimum health standards.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez na kailangang i-review ng mga lokal na opisyal ang kanilang prevention strategy at sundin ang mga hakbang para hindi tumaas ang COVID cases sa kanilang lugar.

Nag-relax aniya sa kanilang protocols ang mga lokal na opisyal kaya biglang tumaas ang bilang ng kontaminasyon.

Kabilang sa mga binabantayan ngayon ng task force ay ang Laoag, Bukidnon at ilang lalawigan sa Region IX, at Region X kaya nagpadala ang task force ng CODE team sa nabanggit na mga lugar. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.