Abante Tonite Interactive

Mga LGU tinaningan ng 75 araw sa clearing operation

290

Muling tinaningan ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) ang mga local go­vernment unit (LGU) para alisin lahat ng sagabal sa lansangan sa kanilang nasasakupan.

Binigyan ni DILG Secretary E­duardo Año ng 75 araw ang mga LGU para gawin ito sabay babala na sinomang mabibigong sumunod sa kanyang Memorandum Circular 2020-027 ay papatawan ng mga kasong administratibo.

“Binibigyan natin sila ng 75 ca­lendar days simula ngayong araw na ito,” ani Año

Sabi ni Año, iisyuhan nila ng show cause order ang sinomang local chief executive na mabibigong sumunod sa kanyang memorandum.

Sa unang bahagi ng kampanya ay nasa 97 LGU ang inisyuhan ng show cause order ng DILG at 10 ang sinampahan ng kasong administra­tibo na ngayon ay dinidinig pa ang kanilang mga kaso.

Ipinagbabawal na rin ng DILG ang mga tricycle at pedicab na dumaan sa national highway.

“Bilang bahagi ng ating road-clearing effort at pagpapaluwag ng kalsada, pinapaalala natin sa ating mga kababayan na ba­wal ang mga tricycle at pedicab sa national highway. Huwag na po tayong makulit at marami na rin pong mga aksidente na nangyari bunga ng kapabayaan dito,” dagdag pa ni Año. (Dolly Cabreza)