Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga lider sa Ilocos sanib-puwersa kay Isko

0 103

Nagkaisang binuo ng mga pinuno ng ‘Solid North’ ang ‘Isko Norther­n Alliance’ (INA) upang himukin si Manila Mayor Isko Moreno na tumakbong pangulo ng bansa sa darating na halalan 2022.

Nagsagawa ng virtual launch via zoom ang INA kahapon na nilahukan ng mga lead convenor ng IM Pilipinas na sina Thomas Orbos, dating Metropolitan Manila Development Authority general manager at transportation undersecretary; Philip Picco; Bong Mangahas; Cicero Lumauig; Bong Siquin; Warlito Daus; at Florante Gerdan, Sta. Fe Nueva Vizcaya, dating pangulo at COO-Pore Point Dev’t Corp.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nais ipabatid ng mga prominenteng lider-politikal mula sa Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan, Abra, Cagayan, La Union at Cordillera na walang katotohanan ang sinasabing ‘Solid North’ na suporta sa mga Marcos at mga kaalyado nito sa administrasyon kung kaya’t binuo nila ang INA at itinutulak na tumakbong presidente ang isang hindi Ilokano sa katauhan ni Moreno.

Ayon sa INA, babasagin nila ang tinatawag na ‘Solid North’, kaya bumuo sila ng grupo na humihikayat at sumusuporta kay Isko para tumakbong bagong pa­ngulo ng ‘Pinas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.