Abante Tonite Interactive

Mga maagang nag-iingay sa speakership ang karaniwang butata — analyst

306

Noon pa man, ang karaniwang nagbubuhat ng bangko na siyang susunod nang House Speaker ang lumalabas na kulelat.

Ito ang reaksyon ng isang political analyst kasunod na rin ng ob- serbasyon na may frontrunner na sa House Speakership race na maaaring makopo na diumano ng isang kandidato na may b­acker na business magnate at isa pa na may nakuhang maraming suporta mula sa mga kapwa mambabatas.

Pinasaringan ni Casiple si House Minority Leader Danilo Suarez sa pagsasabing mayroon nang 153 lawmakers ang lumagda sa manifesto of support para kay Romualdez.

Ani Casiple, hind­i totoo at maituturing na imposible ang ipinalalabas na ito ni Suarez. Aniya, walang mambabatas ang lalagda at magbibigay ng kanilang suporta batay lamang sa ipinakalat na manifesto.

Una nang pinangunahan ni Suarez ang pagpapaikot sa Kamara ng manifesto bilang pagsuporta sa pagtakbo ni Leyte Rep Martin Romualdez at ipinagmalaki nito na nakuha na ni Romualdez ang magic number para mapanalo ang Speakership.

Komento ni Casiple karaniwan na kung maingay sa laban ay ang syang nahuhuli habang ang tahimik ang siyang mas may maraming endorso at kumpiyansa sa botong makukuha.