Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga magbababoy pinasagip sa P56B lugi

0 37

Nanawagan si Senador Francis Pangilinan sa gobyerno na saklolohan ang mga magbababoy na diumano’y umabot na sa P56 bilyon ang lugi dahil sa African Swine Fever (ASF).

Sabi ni Pangilinan sa kanyang pahayag nitong Linggo, magpokus muna dapat sa mga magbababoy sa bansa bago pa umasa sa importasyon ng karne para makabangon ang lokal na industriya.

“Dahil sa kakulangan ng suplay, dapat bigyang pansin ang ating mga backyard hog raisers at bigyan sila ng suporta para sa kanilang kabuhayan,” wika ni Pangilinan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa senador, baka kailangan din repasuhin ang ipinatupad na price ceiling sa mga karneng baboy kung epektibo ba talaga ito.

“Kung hindi [epektibo], kailangan nang isipan ng supplemental programs upang mapababa pa ang presyo ng mga bilihin na hindi napapabayaan ang ating mga hog raisers,” ayon pa kay Pangilinan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.