Abante Tonite Interactive

Mga magsasaka bobo sa negosyo — Villar

0 10,355

Sinisi ni Senador Cynthia Villar sa mga magsasaka kung bakit mahirap ang kanilang pamumuhay.

Sa kanyang libro na ‘Seeds of Life’ na isinulat niya kasama ang isang Yvette Fernandez para sa mga farm school sa mga magsasaka at kanilang mga anak, sinabi ni Villar na pinipili ng mga magsasaka ang mahirap na pamamaraan at hindi tinitingnan ang paggamit ng mga machine para mas mabilis magawa ang kanilang trabaho.

“Many of our farmers do things the hard way. They do things on their own, not knowing that there are easier and faster mechanized way of getting things done,” nakasaad sa libro.

Para sa mga magsasaka, hindi isyu ang paggamit ng mga machine kundi ang pambili.

Sinisi rin niya ang mga magsasaka kung bakit hindi sila kumikita dahil wala aniyang tamang pagkakaintindi ang mga ito hinggil sa negosyo.

“Many of our farmers do not earn money because they do not have the proper business sense. They do not understand how to run the farm efficiently to make it profitable,” sabi ni Villar.

Walang proteksyon ang mga magsasaka kapag tumatama ang bagyo sa bansa na umaabot sa 20 average kada taon. Kapag nasalanta ang kanilang mga tanim, mabilis na silang nalulugi at mas nababaon pa sa utang kapag nagkakasunod-sunod ang mga bagyo.

Sinisisi rin ni Villar ang mga magsasaka kaya sila nagkakautang dahil sa 5-6 sila umuutang.

Para sa mga magsasaka, umaabot talaga sila sa punto na na­ngungutang sa 5-6 kapag nautangan na nila ang kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan at wala nang ibang mapuntahan. Nahihirapan kasi ang mga magsasaka umutang sa bangko dahil sa mga dokumentong hinihingi nito. (Eileen Mencias)