Abante Tonite Interactive

Mga magsasaka kailangan ng ayuda

0 152

aksyon lady

Hindi makakatulong sa paglutas ng problema sa kakulangan ng supply ng bigas sa bansa ang Rice Tariffication Law.

Ito ang paniniwala ng ilang militanteng mambabatas sa pagtanggal ng quota sa ina-angkat na bigas.

Dahil dito tiyak na magiging “import-dependent rice consuming population” ang Pilipinas.

Taliwas ang hakbang na ito sa isinusulong ng ilang sector na itaguyod ang national rice industry.

Napakaraming mabubuting salita ta-yong naririnig sa pagsasabatas sa Rice Tarrification Law.

Una rito ang pagkawala ng korapsiyon at pagbuhos ng supply ng bigas.

Sa bawat hakbang ng gobyerno ay dapat tinitimbang.

Oo naniniwala ta-yong makakabura ito sa korapsiyon at masosolusyunan ang madalas nating problema sa kakapusan sa supply ng bigas.

Pero sana ay tinimbang din ng gobyerno ang epekto ng batas na ito sa ating mga magsasaka na talaga namang hilahod na sa pag-araro ay kakapiranggot lamang ang inaani dahil sa taas ng gastusin sa pagsasaka.

Ngayong dadagsa ang supply ng bigas mula sa ibang bansa, ano pa ka-yang buhay ang maghihintay sa ating mga magsasaka at kanilang pamilya?

Kaya sana ay ma-bigyan ng gobyerno ng nararapat na ayuda ang mga kababayan nating magsasaka para hindi tuluyang bumagsak.