Abante Tonite Interactive

Mga magsasaka lalong nalugmok kay ‘Tisoy’

236

Hindi pa nakakabangon dahil sa pagkalugi dahil sa pagdagsa ng imported na bigas, lalo pa umanong silang pinahirapan ng bagyong ‘Tisoy’ matapos salantahin ang kanilang mga panana­nim na dapat sana’y aanihin na, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Dahil dito, nanawagan si Hontiveros sa gobyerno na bigyan ng kagya’t na ayuda ang mga magsasaka, partikular ang P6.5 bilyong matagal nang ipi­nanganko sa kanila ng pamahalaan.

“Walang magpapaskong masaya sa ating mga magsasaka, lalong-lalo na kung hindi sila mabibigyan ng suporta sa kanilang hanapbuhay ngayong taon,” pahayag ni Hontiveros sa isang statement kahapon.

“Habang inaalam natin ang pinsala sa agrikultura at kabuha­yan na dala ng bagyo, kailangang maibigay na ang ayudang dati pa nating hinihingi na P12,000 sa bawat magsasaka ng palay, at ang P6.5 billion na cash assistance na matagal nang ipinangako,” dagdag pa nito.

Sabi ni Hontiveros dapat magkaroon ng mabilisang pagmobilisa ng calamity funds na puwedeng i-access ng mga lokal na pamahalaan para sa mga kababa­yan nating nasalanta ng bagyo, lalong-lalo na para sa sektor ng agrikultura at palaisdaan.

“We need proper assessment of agricultural damage, and the provision of relief assistance and livelihood recovery in the immediate. Kasama rito ang tulong trabaho o cash-for-work sa hindi pa makakapagtanim at expanded credit, insu­rance at loan restructuring,” anang senadora.

“We cannot delay nor be reckless with our assistance nor let bureaucratic red tape get in the way. Sana ‘wag nang hintayin ang isa pang bagyo bago tayo makapagbigay ng tulong,” saad pa nito.

“Sa hirap na dinanas ng mga maliliit na magsasaka nga­yong taon, kailangang-kailangan na nila ng tulong na hindi kuripot at puwede na. (Dindo Matining)