Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga magsasaka pinalagan pambabarat ni Dominguez

0 77

Umaalma ang Federation of Free Farmers sa pambabarat ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa coconut farmers nang kalahatiin nito ang pondo para sa crop onsurance sa P200 milyon mula sa P400 milyon.

Ayon sa FFF, 8% lamang ng mga coconut farmers o 200,000 ang makakapag-insure ng kanilang tanim at ani samantalang 2.5 milyon ang coconut farmers sa bansa.

Si Dominguez ang chairman ng Trust Fund Committee ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund.

Ayon sa FFF, P400 milyon ang pinapayagang ilaan para sa insurance.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa paghati ng pondo ay nilimita rin ni Dominguez ang pagkukuhanan ng pondo para sa crop insurance coverage ng mga coconut farmers.

Tanong ni FFF national manager Raul Montemayor, bakit ba inaawat ni Dominguez ang ibang mga ahensiya at sangay ng pamahalaan na magpatak din ng pondo para sa crop insurance gayong kulang naman ang kaniyang inilaan.

Nanawagan ang FFF kay President-elect Ferdinand Marcos Jr. na ibasura ang Executive Order No. 148 na pinirmahan nung Setyembre 2021 kung saan tinanggal ni Dominguez ang dalawa sa tatlong representanteng magsasaka sa board ng Philippine Crop Insurance Corporation, prinavitize ang operations ng PCIC, at binawasan ang premium subsidies para sa mga magsasaka.

Nais din ng FFF na irebyu ang merger ng UCPB at Land Bank of the Philippines na madaliang ginawa. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.