Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga magsasaka sinugod ng armadong kelot

0 101

Nababahala si dating Agriculture Secretary Leonardo Montemayor sa buhay at kaligtasan ng mga miyembro ng Merangeran Free Farmers Association Inc. (MERFASI) na nangangalaga at nagsasaka sa 165-ektaryang gubat sa Merangeral, Quezon, Bukidnon sa bisa ng community-based forest management agreement (CBFMA) No. 55150.

Sabi ni Montemayor, sinugod umano ng mahigit-kumulang 20 kalalakihan na may mga dalang patalim noong Hunyo 8, ang lupang sakop ng CBFMA No. 55150 sa pangunguna ng isang Rammel Potane.

Si Potane, aniya, ay pakawala ni Victoriano Cuizon Jr., dating mi­yembro ng MERFASI na in-expel noong 2018 dahil sa paglabag nito sa patakaran ng organisasyon at sa mga gawaing nakasisira sa pangalan ng MERFASI.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Montemayor, ito na ang pangatlong pagkakataon na sinugod ng grupo ni Potane ang lugar na sakop ng kasunduan ng MERFASI.

Sumulat na ang dating kalihim kay Environment Secretary Roy Cimatu noong Hunyo 17, para humingi ng tulong at magpadala ito ng mga militar at pulis sa Quezon, Bukidnon para pangalagaan ang mga miyembro ng nasabing asosasyon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.