Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga mahihirap suplayan ng face mask – Leachon

0 144

Dapat daw suplayan ng libreng face mask ang mga mahihirap, ayon sa dating adviser ng National Task Force on COVID-19.

Paliwanag ni Dr. Tony Leachon, ang mahihirap ang dahilan ng local transmission kaya kailangan itong solusyunan.

“Ang poor ang cause ng local transmission natin so we have to address this,” aniya sa panayam sa CNN Philippines.

“If they want to wear masks then we have to provide them access. So dapat ilibre natin ng masks particularly sa urban poor because the middle class and the upper class can afford it,” dagdag niya.

Maliban sa face mask, dapat din aniyang ilibre ng test para sa COVID-19 ang mga mahihirap.

Nais din niyang mailagay muli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila sa loob ng dalawang linggo.

“Using the hammer and dance concept, just two weeks hammer it down rather than a conservative GCQ,” aniya.

“Kaya ang suggestion ko nga diyan ay ECQ kaya lang mangangailangan ka ng SAP,” wika pa niya. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.