Abante Tonite Interactive

Mga Mamba souvenir sumirit ang presyo

376

Nitong Lunes ginanap ang public memorial para kay Kobe Bryant at anak na si Gianna.

Martes, nakalista nang ibinebenta sa eBay ang mga souvenir na iniregalo sa mga nag-attend ng memorial.

Ang presyo: libong dolyar.

Binigyan ang mga memorial attendee ng ilang souvenir tulad ng T-shirt, pin at commemorative ticket.

Higit 20,000 ang pumasok sa Staples Center para sa memorial.

Sa eBay, ang memorial T-shirt, ticket, libro at pin ay binebenta na sa starting bid na $3,000. Para mabili agad ang mga souvenir, magpapaluwal ng $5,000 ang buyer.

May iba pang prinesyuhan ng mula $1,000.

Namatay ang 41 taon gulang na si Kobe, 13-anyos­ na si Gianna at pitong iba pa sa helicopter crash sa Calabasas, California noong Jan. 26.

Emosyonal ang speech ng asawa ni Kobe na si Vanessa at ni Michael Jordan sa memorial. (Vladi Eduarte)