Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga manlalaro bigyan ng pagkakataon

0 52

Mahigit pitong buwan na lang at national elections na.

May 9, 2022 ang date.

Ngayon pa lang nananawagan ang pitak na ito sa mga botante na iboto natin ang mga kasalukuyan at dating manlalaro, mahilig sa sports o sportsman para makatulong din sila sa larangang ito.

Kasama po riyan ang mga basketball player.

Ilan sa mga nagpahayag na tatakbo sa halalan ang mga player at dating naglaro sa Philippine Basketball Association.

Ilan sina ex-Magnolia Pambansang Manok team manager Alvin Patrimonio sa pagkamayor ng Cainta ,Rizal, Rain or Shine veteran James Carlos Yap Sr., former cagers Don Carlos Allado at Paul Artadi sa pagka-San Juan City councilor.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Francis Zamora sa pagka-alkalde pa rin ng San Juan.

Nariyan din si Rey Evangelista sa Ormoc City na hindi pa lang hinahayag ang puwestong pinupuntirya.

Si eight-division world men’s pro boxing champ Emmanuel Pacquiao pagkapangulo ang inaasinta.

***

Hanggang sa darating pong Martes uli mga Ka-TP, ka-Abante TONITE .

Sa mga gusto pong magtanong o magkomento, mag-email lang po kayo sa ramilcruz2003@gmail.com, ramilcruz2003@yahoo.com. Puwede rin pong mag-tweet sa @RamilCruz2003.

Gaya po ninyo, pinanalangin ko rinng matapos na po ang Covid-19 sa buong mundo. God bless!

Leave A Reply

Your email address will not be published.