Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga manok sa Isabela sapol ng bird flu

0 34

Dahil sa avian influenza o bird flu virus, mahigit kumulang 2,700 na mga manok ang nakatakdang sasailalim sa culling o papatayin sa isang commercial poultry farm sa Alicia, Isabela.

Ayon kay Department of Agriculture-Region 2 Director Narciso Edillo, unang naitala ang kaso ng bird flu sa Isabela sa Barangay Marabulig 2, Cauayan City ngunit agad na napigilan ang pagkalat matapos patayin ang mga apektadong manok at pato.

Subalit dahil sa panibagong kaso ng bird flu sa Isabela, nagpulong aniya ang Avian Influenza Task Force na kinabibilangan ng lahat ng mga provincial veterinary officer sa limang lalawigan sa Region 2 o Cagayan Valley, Bureau of Animal Industry (BAI) at National Meat Inspection Service (NMIS) para magtulungan na makontrol ang pagkalat ng virus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Edillo, masakit ang loob ng may-ari ng commercial poultry farm ngunit wala silang magagawa dahil ang pagkatay lamang sa mga ito ang tanging paraan upang huwag kumalat ang bird flu.

Nangako naman ang pamahalaang panlalawigan na magbibigay din ng kaukulang tulong para makabawi ang mga apektadong nag-aalaga ng manok. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.