Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga marino puwede maging choosy sa bakuna- Digong

0 245

Pinagbigyan sa pinakabagong desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan ng mga marinong Pinoy na bigyan prayoridad na makatanggap ng western COVID vaccine.

Pinayagan ng Pangulo ang kahilingan ng mga marino na kumuha ng mga bakuna sa kanluranin dahil ito ang kinakailangan sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa.

Si Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. ang itinalaga ng Pangulo upang ayusin ang pagbabakuna ng mga lokal na marino upang mapadali ang kanilang pag-deploy sa ibang bansa.

“Handa kaming bakunahin sila gamit ang western brand. Walang paglabag sa pantay na proteksyon ng batas dahil, walang pagkakaiba at walang malinaw na katibayan upang maipakita na ang Pfizer, Moderna ay nakahihigit sa Sinovac at Sinopharm. Puro bakuna ‘yan. Generic ito, ” sabi ng Pangulo sa isang pahayag sa telebisyon.

Una nang inihayag ng gobyerno sa mga Pilipino na huwag maging mapili sa brand ng bakuna, sinabi na ang mga bakuna ay pawang napatunayang ligtas at epektibo.

Gayunman ay kinilala ng Pangulo ang pag-aalala ng mga marino tungkol sa kanilang pagbabakuna, na ginawang kondisyon sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.