Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga `Marites’ binoldyak sa pekeng virus surge

0 47

Itinanggi ng Department of Health (DOH) ang kumakalat umanong tsismis na gagawa sila ng artipisyal na COVID-19 surge dalawang araw bago mag-eleksyon na siyang makakaapekto sa halalan.

“May na marites ako na 2 days before election, maglalabas ng report ang doh ng covid surge, at may mga iinterviewhin na nagpositive kuno at sasabihin na galing sila sa rally ni ______ dumi na,” base sa kumakalat umanong post.

Pinasinungalingan ito ng DOH.

SM food to go Banner Ad

“The Department of Health categorically denies unfounded rumors that it will report an artificial increase in COVID-19 cases close to election day for partisan use against any candidate at any level,” pahayag ng DOH.

Ayon pa sa kagawaran, sa ngayon ay mababa pa rin ang mga naitatalang kaso ng COVID sa bansa.

Higit isang linggo na lang ang natitira bago ang halalan. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.