Abante Tonite Interactive

Mga may TB sa Navotas susuyurin para ipagamot

195

Susuyurin na ng mga tanod at mga pulis ang kasuluk-sulukan ng bawat barangay sa Navotas City, upang hanapin ang mga may sakit na tubercolusis (TB).

Gayunman ang layunin nito ay hindi isadlak sa selda ang may mga karamdaman, kundi para gamutin upang tuluyang gumaling.

Noong Biyernes nang hapon, nilagdaan nina Mayo­r Toby Tiangco at iba pang mga opisyal ng lungsod ang isang pledge of commitment na hanapin, ipagamot ang mga residenteng may TB.

Inatasan ni Mayor Toby na gumawa ng ordinansa ang Konseho, saan aatasan ang mga barangay tanod sa buong Navotas upang maghahanap sa mga TB patient.

Nakasaad pa sa lilikhaing ordinansa na kapag hindi sila sumama ang pasyente, pulis na ang susundo sa kanila para dalhin ang mga ito sa health center.

Sa oras na magmatigas pa rin ang TB carrier, sa presinto na ito dadalhin.
“Ang TB ay nagagamot walang at libre ito walang dapat mamatay at huwag silang mahiya na magpunta sa mga health center para magpagamot,” anang alkalde.

Kabilang sa mga sumaksi sa memorandum ang mga kinatawan ng United States Agency International Developmemt (USAID).

“Lubhang nakakahawa ang TB, dapat maprotektahan natin ang mga inosenteng bata at matatanda na maaring mahawaan nito. Kaya maliban sa pagpapataas ng kaalaman kailangang masiguro na tuloy-tuloy ang gamutan sa mga pasyenteng may TB,” dagdag pa ni Tiangco. (Orlan Linde)