Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga mayor bantayan sa bakuna rollout

0 319

Nagbabala kahapon si Senador Sonny Angara sa mga politiko, lalo na ang mga mayor, na posibleng gamitin ang bakuna kontra COVID-19 lalo pa at nalalapit na ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa halalan sa susunod na taon.

Ginawa ni Angara ang pahayag nang matanong sa isang panayam sa radyo nitong Sabado hinggil sa sinabi diumano ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring maging pabor sa administrasyon ang magandang pagtugon sa COVID-19 pandemya.

“`Yon ang opinyon ni Sec Roque at maaaring tama siya, pero depende rin `yon sa perception ng bawat tao, ang pamumulitika na sinasabi ko `yong gagamitin ng mayors at mga kakampi lang ang bibigyan,” pahayag ni Angara.

Halos kasabay ng pagsusumite ng certificate of candidacy (COC) para sa 2022 election ang pagdating ng mga supply ng COVID-19 bakuna kaya posible umanong samantalahin ito ng mga politiko upang mangampanya agad.

Ngunit babala ng senador, hindi magugustuhan ng publiko ang paggamit sa bakuna bilang paraan ng pangangampanya.

“Yes talagang second half of the year talaga darating ang karamihan ng doses ng vaccines natin at palagay ko `di magugustuhan ng tao kapag pinulitika ang vaccines,” pahayag pa ni Angara. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.