Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga mayor, DPWH sangkatutak reklamo ng korapsiyon — DOJ

0 104

Nanguna sa pinakamaraming reklamo ng katiwa­lian ang mga Local Government Unit (LGU) at Department of Public Works and Highway-District Engineering Office na isinampa sa Department of Justice-task force against corruption (TFAC).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra naisumite na nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang mid-year report noong Hunyo 9 kung saan sa 220 isinampang kaso ay 210 ang naaksiyunan na ng task force.

Nabatid kay Guevarra na karamihan ng reklamo ay nasa mga Local Government Unit (LGU) at Department of Public Works and Highway (DPWH) District Engineering Office, Land Registration Administration, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Bureau of Custom (BOC) at ilang Government Owned and Control Corporations (GOCCs).

SM food to go Banner Ad

Nalaman sa TFAC na may 15 kaso ang iniendorso sa Ombudsman para sa mas malawak na imbestigasyon, may 15 rin ang ini-refer sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa case build up at posibleng kasong kriminal at ang iba ay ni-refer sa iba’t ibang government agency para sa pagsasagawa ng administratibong imbestigasyon.

Nalaman na pina-finalize na ng Ombudsman, Commission on Audit (COA) at Department of Justice (DOJ) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na bubuhay sa paglalagay ng resident Ombudsman sa mga ahensiya na may maraming kaso ng korapsiyon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.