Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga mayor huwag ipitin ayuda!

0 345

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mayor na bilisan ang pamimigay ng ayuda sa kanilang mga residente na apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang reaksyon sa naging desisyon ng ilang local government unit na magbahay-bahay sa pamimigay ng ayuda sa kanilang mga residente.

“Nakiusap na po ang ating Presidente sa ating mga mayor. Ang importante po dahil hindi nga nakakapagtrabaho ang ilan sa ating mga kababayan,” ayon kay Roque.

SM food to go Banner Ad

“Sana po mapabilisan hangga’t maaari ang pagbibigay ng ayuda, bagama’t naiintindihan din ni Presidente ang mga pagsubok diyan dahil nga po iniiwasan natin ang pagtitipun-tipon ng ating mga kababayan,” dagdag ng kalihim.

Sa cash assistance na pinamimigay ng gobyerno para sa mga apektado ng ECQ ay makakatanggap ng P1,000 hanggang P4,000 ang isang pamilya. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.