Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga mayor may P13B infra budget sa DILG

0 181

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na i-avail ang P13.586-bilyong Local Government Support Fund-Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FALGUs) para sa kanilang local infrastructure at development projects at magsumite ng documentary requirements para dito hanggang sa Hunyo 30, 2021.

“Nakalaan talaga para sa inyo ang pondong ito kaya samantalahin ninyo ang pagkakataon para masimulan ninyo ang papapatupad ng mahahalagang proyekto at pagbangon ng ekonomiya sa inyong mga lugar,” ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año nitong Martes.

Ayon kay Año, tanging 319 LGUs lamang ang pinaglaanan ng pondo para sa kanilang FALGU projects na nagkakahalaga ng P2.93-bilyon o 22% ng Program Fund para sa taong ito. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.