Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga MayWard fan tinawag na baliw

0 138

NI: VINIA VIVAR

Isang magandang balita ang ibinahagi ni Edward Barber sa fans nila ni Maymay Entrata kahapon sa guesting niya sa Magandang Buhay. He confirmed na magsasama ulit sila sa pelikula ng ka-loveteam at sobrang excited na raw siya about it.

Ayaw pang sabihin ni Edward ang ilang mga detalye basta’t aniya, inaayos na raw ang schedule nila para sa locked-in shooting. Clue niya, ang direktor daw nila ay magaling sa comedy kaya looking forward na siya sa masayang shooting na magaganap.

“Ang nilu-look forward ko is ‘yung maging masaya ulit sa trabaho. Kasi may mga times talaga na habang nagtatrabaho ka, hindi ka naman nagi-enjoy, hindi naman masaya, pinipilit mong ngumiti or tumawa.

“Pero ito, binasa ko na ‘yung script, pinost ko sa IG Stories ko ‘yung draft six. Masaya talaga ‘yung movie. Tapos hindi ‘yung sobrang bigat. So I’m looking forward to just having fun which is isa sa mga bagay na parang hindi ko ginawa nu’ng mga last projects,” pahayag ni Edward.

Matatandaang taong 2018 huling napanood sa big screen ang Mayward loveteam sa pelikulang Fantastica.

During the interview ay hindi maiwasang maging emosyonal ni Edward habang nagpapasalamat sa MayWard fans.

SM food to go Banner Ad

“Ang daming nagsabi sa start ng quarantine, na ‘yung quarantine ay parang “PBB.” Nakakulong kayo tapos nandoon lahat ng emotions. At masasabi ko na kahit ganoon, kahit matindi ang pinagdadaanan nating lahat ay nandoon pa rin sila.

“Hindi ako makapaniwala na, parang the level that they were giving us before of support is not just the same, it’s even higher. Hindi ko ma-explain. Parang baliw talaga kayo because until now you’re still giving us that support,” pahayag ni Edward.

It could be recalled na last April ay naglabas ng announcement ang MayWard ng tunay na estado ng kanilang relasyon. Anila sa kanilang joint statement ay nagdesisyon silang maging magkaibigan lang.

Kaya naman sobrang thankful ni Edward na sa kabila ng mga nangyari ay nandiyan pa rin ang kanilang supporters.

“Siyempre, ang daming nangyari, let’s not beat around the bush. A lot has been said sa social media, a lot of stuff has been lied about, false statements and through it all, I look through my Instagram messages, ‘yung sa direct messages, minsan toxic ‘yon, pero I read them and I see some messages, they say, ‘We still trust you Edward. We still support you, We still love you,’” pagbabahagi ng aktor.

Hindi raw niya kayang ipakita or sabihin kung gaano siya nagpapasalamat.

“Because you will never know the impact that it’s had in my life. Before, I took it for granted, now I can see what it really means,” emosyonal niyang wika.

“So, for all the MayWard family, solid Ed, solid Maymay, thank you, mahal na mahal ko kayo,” seryosong sabi ng aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.