Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga medical frontliner gawing regular sa trabaho – Recto

0 253

Nanawagan si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa gobyerno na i-promote ang mga medical frontliner o di kaya’y gawing regular ang mga ito.

Ito aniya ang pinakamainam na gantimpala na maibibigay ng pamahalaan sa mga medical frontliner dahil sa kanilang sakripisyo at serbisyo sa panahon ng giyera kontra COVID-19 pandemic.

“How can government reward medical frontliners? Let us count some of the ways. Release of hazard pay, now na. Regularization. Promotion,” pahayag ni Recto.

“As to promotion, kung `di pa kaya ng mass testing sa tao, mass promotion muna sa mga nagtatrabaho,” dagdag pa nito.

Ayon kay Recto, dalawa ang uri ng job promotion. Una, sa pamamagitan ng tinatawag na ‘government-speak as step increase’ at ang isa naman ay promosyon sa susunod na salary grade.

“Ang government pay scale ay mayroong, believe it or not, 258 categories. There are 33 Salary Grades (SG), and each SG in turn has 8 “steps”, except the highest, SG 33–which has two steps and is occupied by one person, the President,” sabi ni Recto.

Aniya, ang buwanang Salary Grade o SG-15 ng isang nurse ay may walong hakbang: 1)P32,053; 2)P32,431; 3)P32,814; 4)P33,202; 5)P33,594; 6)P33,991; 7)P34,393; at 8)34,801.

“Although they are in the same SG, a nurse in Step 1 category is paid almost P33,000 lower than what a Step 8 holder gets in a year,” sabi ni Recto.

“Maraming mga empleyado sa pamahalaan, kabilang na sa DOH hospitals, ang stranded sa kanilang salary step. They have been marooned in that category. Pandemic or not, they deserve to be bumped up the pay scale,” dagdag pa ng senador. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.