Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga medical frontliner huwag agawan ng bakuna – Galvez

0 95

Nanawagan kahapon si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga kapwa niya opisyal sa pamahalaan na igalang at sundin ang itinakdang prayoridad sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Sa isang pahayag, iginiit ni Galvez na mananatiling una sa listahan ng prayoridad na mabakunahan ang mga medical frontliner at health worker dahil sila ang mga unang sumasabak sa giyera sa COVID-19.

Idiniin ni Galvez na maaaring mawala sa bansa ang mga ipinangakong bakuna mula sa COVAX facility kapag nalabag ang prayoridad sa programa.

SM food to go Banner Ad

Pinahahalagahan aniya ng task force ang suporta ng ilang opisyal para mawala ang pangamba at maitaas ang kumpiyansa ng publiko sa bentahe ng pagbabakuna sa pamamagitan ng pagpapaturok sa harap ng mga tao.

Gayunman, sa isang banda ay posible rin aniyang makaapekto sa isipan ng publiko ang unang pagpapabakuna ng ilang opisyal lalo at kulang pa rin ang pandaigdigang suplay ng COVID-19 vaccine.

Bilang pagsunod sa rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) at patakarang inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases), kailangang mauna sa bakuna ang mga nasa health sector.

Kasunod ng mga medical frontliner at health worker ay mga senior citizen at iba pang sektor na ikalawa sa madaling tamaan ng virus. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.