Mga medical student gagawing taga-bakuna

Target ni Vice President Leni Robredo na kumuha ng mga medical student para makatulong sa vaccination program laban sa COVID-19.
Ayon kay Robredo, posibleng kulangin ng mga magtuturok ng bakuna ang bansa dahil sa pagbuhos ng supply sa mga susunod na buwan.
“Ang suggestion ko ay mag-partner sa mga school na may medical students, nursing students na makatulong at supervise,” sabi ni Robredo sa kanyang lingguhang programa sa radyo.
Aniya, nakikipag-usap na sila sa ilang unibersidad at kolehiyo hinggil sa pagkuha ng mga estudyante para maging tagaturok ng bakuna.