Abante Tonite Interactive

Mga ‘Mensahe’ sa pagsabog ng Bulkang-Taal

0 864

Mga ka-Misteryo nagkasunud-sunod na naman ang pagsabog ng mga bulkan at kasama na rito ang Bulkang Taal. Ano kaya ang ­mensaheng nais ipahiwatig ng mca ito sa buhay ng tao?

‘Yan ang ating paksa ­ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo.”
Ginulantang tayo ng ­pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas noong linggo at patuloy pa rin ang abnormalidad nito. Pero ano kaya ang mensahe nito sa tao?

Karaniwang may nasasagap ang mga may abilidad na makipag-ugnayan sa mga nilalang ang ilang sensitibong tao o psychic.

Minabuti ng #Misteryo na kausapin ang ilang psychic na may ugnayan sa kabilang dimensyon.

Si Pamela ng Las Piñas ay nagsabing malinaw na gustong ipahiwatig ng Taal ang pagmamahal sa kalikasan dapat nating alagaan.

May nasagap na mensahe si Marie ng Mandaluyong na maituturing na kumpleto ang proseso ng buhay ­masama man ito o maganda, kaya’t kailangang magsimula muli.

Para kay Gabby ng San Juan, ­marami pang magaganap na ­pagbabago sa buhay ng tao dahil ­hindi lang sa Pilipinas nangyayari ang ­ganito kundi sa buong mundo.

Sa nasagap na mensahe ni ­Ramon ng Bulakan, walang dapat ipangamba lahat ay lilipas at may parating na bagong pag-asa.

Sa mensaheng nasagap ni Lily ng natures-blessings.org, ­ramdam ng Mother Earth ang bigat na pinapasan ng sangkatauhan kaya’t kailangan niyang huminga ng malalim. Pero may malaking pagbabago sa pag-iisip ng tao. May magbubukas ng abilidad at makikita ang Imbisibol na dimensyon.

Sa pananaw ni Manong Domeng ng Cavite, manalig sa Diyos marami pang pagsubok ang darating sa buhay ng tao.

Sa aking personal na pananaw, nais kong isabay ito sa ­mensahe ng Poong Nazareno na kaya nating lagpasan ang ­lahat basta magkaisa at sama-sama.

Mabilis ang mga ­pagbabago sa buhay ng tao kasing bilis ng pag-usad ng andas pabalik sa ­Simbahan pero asahan sa bawat hakbang ay may mga ­pagsubok na kailangang harapin.

Sa mensaheng nasagap ni Ara ng Maynila, maging ­mapagmasid at sensitibo sa kapaligiran hindi lang sa pisikal ­kundi sa espirituwal dahil asahan ang tulong na darating sa mga kakaibang nilalang anumang oras nating kailangan.

Marahil balewala lang ang mga mensaheng ito pero wala namang masama kung paniwalaan at isabuhay natin.

***

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph.