Abante Tonite Interactive

Mga militanteng kongresista kay Gloria: ‘Yung nabubulok na, ‘di dapat nire-recycle

By
2,082

Hindi matapos-tapos ang hugot ng mga militanteng kongresista sa pagkakatalaga ni dating­ Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria­ Macapagal Arroyo ­bilang House Speaker.

Ayon kay Gabriela­ Women’s Party Rep. Emmi De Jesus mas maigi pa ang mga ­basurero.

“Ang nakakalungkot…mabuti pa ‘yung basurero alam ang nabubulok at hindi nabubulok­ dito ang nabubulok mu­ling inilagay at iniluklok,” komento ni Rep. De ­Jesus sa press briefing kahapon.

“…si GMA daw ay isang innocent bystander­ sabi ko ‘yung mga innocent bystander tinotokhang ‘yun eh hinuhuli. Bakit si GMA na tambay pala innocent bystander ay dapat hinuli lang at hindi ­iniluklok? Kaya ‘yan ito ‘yung malungkot na kalagayan na naganap pero sabi nga namin ang kalungkutan na ito ay hindi naman mana­natili,” dagdag nito.

Binigyang-diin naman ni Gabriela Women’s­ Party Rep. Arlene Brosas na hindi nila kinikilala si Arroyo bilang pinuno ng Kamara dahil sa mga salto nito.

“Arroyo clique rin ang nagpasa ng Human­ Security Act noong 2007 na matatandaan natin hanggang ngayon­ ay nananalasa­ sa ating mga mamamayan­ nagresulta ito matinding­ human rights violations at inaasahan din natin na ipagpapa­tuloy ito kung ang lea­dership nga nasa kanya hindi sya dapat nan­dyan…‘yung tatamaan ng anti-terror law na malamang ay uunahin ng leadership na ito ay mga oposisyon at alam naman natin na ginagamit talaga ang HSA…human security act, ‘yung anti-terror law para pigilan ‘yung mga legitimate opposition ‘yung mga dissenting­ opinion at lahat-lahat kaya po talamak ang record ng Arroyo clique sa human rights violations,” ani Brosas.

“Hindi dapat nire-recyle ‘yung mga nabubulok na,” giit pa nito.