Abante Tonite Interactive

Mga militar ipupuwesto ni Duterte sa peace panel

0 198

Sa kabila ng kanyang pahayag na permanente nang tapusin ang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista, inilutang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na buha­yin ang negosasyon at bubuo ng bagong peace panel na kapapalooban ng mga militar.

Ipinahayag ito ng Pangulo nang dumalo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bukidnon Sabado nang gabi.

Ayon sa Pangulo, maghahanap siya ng mga panibagong paraan at mga bagong tao na ilalagay sa peace panel at posible aniya na magkaroon ito ng mga miyembro na manggagaling sa military bukod pa sa mga sibilyan.

Sinabi pa ng Pa­ngulo na nilusaw niya ang dating peace panel dahil mabagal itong makipagnegosasyon sa mga rebeldeng komunis­ta at sa loob ng nakalipas na tatlong taon ay walang nagawa.