Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga miyembro ng gabinete may misyon kay Medialdea

0 85

Binigyan ng assignment ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga miyembro ng gabinete para magdagdag ng paliwanag sa mga sasabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 26.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa eksklusibong panayam ng Abante Radyo na ang mga inatasang kalihim ang magbibigay ng dagdag paliwanag sa mga babanggitin ng Pangulo sa kanyang SONA.

“Mayroon kaming iaanunsiyo na mga pangalan ng mga miyembro ng gabinete bukas na doon in-assign ng ating Executive Secretary ang responsibility na mag-elaborate pa kung ano pa `yong mga sasabihin ni Presidente,” ani Andanar.

Hindi aniya lahat masasabi ni Pangulong Duterte sa SONA ang mga detalye ng mga isyung kanyang babanggitin kaya tutulong dito ang mga opisyal ng ehekutibo.

SM food to go Banner Ad

Ang mga cabinet secretary na ito aniya ang puwedeng tawagan at kausapin ng media para sa iba pang detalye ng magiging SONA ng Pangulo.

“Alam mo naman sa SONA kung tingnan natin 45 minutes to one hour, hindi mo masasabi lahat so kakailangin ang expertise ng mga cabinet members. So meron kaming ia-announce bukas. `Yong mga pangalan na yon, yun ang puwedeng kontakin ng mga kasamahan natin sa media,” dagdag ni Andanar.

Batay sa inilatag na patakaran ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, tanging ang government media lamang ang papayagang makapasok sa Batasang Pambansa para masiguro ang kaligtasan laban sa panganib ng COVID-19. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.