Mga motorcycle taxi rider na wala sa masterlist dadamputin

359

Huhulihin na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorcycle taxi rider na hindi nakatala sa master list na isinumite ng Department of Transportation Technical Working Group (DOTr-TWG) ng tatlong kompanya na kasama sa ikalawang pilot testing ng pamahalaan.

Sa isang pulong balitaan na ginanap kahapon sa tanggapan ng MMDA, sinabi ni DOTr-TWG head Antonio Gardiola na nakarating sa kanila ang ulat na marami sa mga bumibiyahe ngayon na motorcycle taxi na naka-uniporme ang hindi naman nakalista sa ibinigay na masterlist ng Angkas, JoyRide at Move It, ang tatlong kompanya na kasali sa pilot run.

Ayon kay MMDA General Ma­nager Jojo Garcia, iisa-isahin nila ang mga rider ng tatlong kompanya kasabay ng ipatutupad na ‘survey’ sa mga rider upang malaman kung kasama sila sa talaan.

Bukod dito, papaigtingin din ng MMDA ang panghuhuli sa mga habal-habal na may mga terminal sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

Inumpisahan na umano nila ito kahapon at nakahuli na ng mara­ming rider na ang ilan ay walang driver’s license.

“So I’m warning, Angkas, MoveIt and JoyRide, kung 15,000 lang ang binigay sa inyong listahan, make sure it’s 15,000 nothing more,” babala ni Garcia. (Armida Rico)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...