Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga motorista, pasahero naipit sa bakbakang militar-BIFF

0 269

Daan-daang motorista at pasahero ang naipit sa border ng Maguindanao at Cotabato matapos magkasagupa ang militar at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Datu Paglas, Maguindanao nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa ulat, nagsimula ang bakbakan alas-5:00 ng madaling-araw sa Barangay Poblacion.

Tinatayang 100 Bangsamoro Islamic Freedom Fighters member umano ang lumusob sa town center kaya nagsilikas ang mga residente sa lugar.

Rumesponde roon ang mga sundalo ng 40th Infantry Battalion upang mapalayas ang mga BIFF member sa town center.

Dahil dito, humaba ang pila ng mga sasakyan sa national highway na naghihintay ng signal ng mga awtoridad kung kailan sila ligtas na makakadaan. (Issa Santiago/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.