Abante Tonite Interactive

Mga motorista tip sa maulang panahon

By
139

Ayon sa Pagasa, bukas pa ng Huwebes makakaranas ng kagandahan ng panahon. Kung kaya’t ibayong pag-iingat pa rin ang nararapat gawin para sa lahat na lalabas ng lansangan.

Meron riyan mga delikadong manhole na maaaring maging sanhi ng sakuna o dili kaya’y pagkabalahaw ng sasakyan.

Base sa sariling eksperyensiya, delikado lumusong sa baha lalo sa mga may sugat sa binti o paa na puwedeng maging entry point ng leptospirosis na puwedeng ikamatay.

Ganyan din sa mga motorista.

Delikado lumusong sa baha lalo na kung hindi naka-offroad setup ang sasakyan.

Kung sakaling lulusong sa baha ang hindi nakapang-offroad na sasakyan, ikondisyon ang sarili na puwedeng mawala pansamantala ang preno.

Kapag nakaranas ng ganyan, huminahon lang. Huwag sisigaw ng “Darna!”

Bagkus, apak-apa­kan ang preno upang muli itong matuyo at manumbalik ang preno.

Yari kang bata ka kapag nag-panic agad dahil iniwan ng preno. Tiyakin na banayad lang ang andar ng makina ng sa gayon ay madaling pahintuin ang sasakyan.

Huwag mag-tailgate o tumutok sa kotseng nasa harapan dahil tiyak na hihina o mawawala pansa­mantala ang preno dahil sa baha.

Kapag nasobrahan din ng lalim titirik ang sasakyan tyak dahil inabot ang alternator nito kaya nararapat na tantyahin mabuti ang lulusunging baha.

Mas mabuting gawin ay humanap na muna ng mataas na lugar at iwanan na lamang roon ang sasakyan o mag-antay na bumaba ang tubig baha bago tumuloy kesa buwis buhay.

Maaari ring makaranas ng pagpugak-pugak ng kotse o magpalya ang andar dahil kapag nabasa ng baha ang fan belt at iba pang sinturones ay mawawala ito sa timing dahil magdudulasan ito.

Huminahon lang kapag nakahanap na ng libre o ligtas na mas mataas na lugar dahil madali namang matuyo ang mga ito sa konting rebo-rebolusyon ng makina.

Higit sa lahat, huwag mawawalan ng tinatawag na pre­sence of mind kapag nasa mga alanganing sitwasyon.