Abante Tonite Interactive

Mga mukha sa dingding

267

Mga ka-Misteryo may nakikita ba kayong mga mukha sa dingding ng inyong bahay? Paano kung ang mga mukhang yun ay biglang makipag-usap sayo?
Ito ang karanasang inilahad sa #TeamMisteryo ni Leo ng Cavite na hindi nilubayan ng mga nilalang na biglang l­itaw ang mga mukha sa dingding ng kanilang bahay.

Isang gabi habang abala si Leo sa paghahanda ng maisusuot kinabukasan ay bigla siyang nakarinig ng bulungan sa kanyang silid.

Nagtataka siya kung bakit may naririnig siyang mga boses wala naman siyang tv sa loob at nakapatay naman ang kanyang cellphone. Inisip niyang baka sa kabilang silid lamang ang naririnig mga nag-uusap.

Halos hatinggabi na ng matapos sa kanyang pagha-handa ng maisusuot at dadalhin sa kanilang outing nang big-lang may tumawag sa kanyang pangalan, maliit na boses na sa dinig niya ay nasa loob lamang ng kanyang silid.
“Leo…Leo…gusto ka namin makausap.” sabi ng tinig sa ga-wing kanan ni Leo.

Biglang lingon si Leo at saktong nakita niya ang mukha ng isang kakaibang nilang na may malaking ulo at may dalawang antenna. Hindi makapaniwala si Leo sa nakita at kinusot pa niya ang kanyang mga mata.

“Sino ka? Bakit ka nagsasalita? Bakit ka nasa dingding? Ano kailangan mo?” Tugon ni Leo na halatang takot at garalgal na sa pagsasalita.

Biglang may sumulpot na isa pang mukha sa dingding, isang babae na may mahabang buhok.

“Ako si Princess Alejia at siya ang kapatid kong si Saturno, narito kami para makipag-kaibigan, mga kaibigan mo kami, marami kaming gustong sabihin para sa tao,” masayang sagot ng isa pang nilalang na nasa dingding.

Unti-unting nawala ang takot sa dibdib ni Leo at nagpakita na siya ng interes sa kanyang mga kausap. Nalaman niya kung sinu-sino ang mga kausap niya, saan sila galing At ano ang sadya nila sa kanya.

Nang tanungin ng #TeamMisteryo kung saan nagmula at anong nilalang ang mga mukha sa dingding.

“Mga taga-ibang planeta po sila pero matagal na silang kasalamuha ng tao na hindi natin alam. At ang mga mukha sa dingding ay hologram o pagpapadala lamang ng kanilang imahe at ginamit nila ang dingding ng aking silid. Nawawala naman ang mukha pagkatapos namin mag-usap,” paliwanag sa amin ni Leo.

Team Misteryo: “Mabait ba sila? Ano ang sinasabing sadya nila?
Leo: “Hindi naman sila salbahe. Alyansa sila ng mga Ekstra-Terestriyal dito sa solar system para tulungan sa pag-unlad ng tao at hindi nila kailangan magpakita sa lahat.”

Team Misteryo: “Ano ang mensahe nila?”

Leo: “Maghanda sa mga posibleng kalamidad at awayan ng mga bansa, dapat daw ma-ging mahinahon ang tao para maiwasan ang gulo o digmaan. Gusto nilang tumulong para maiwasan ang problema ngunit dapat tayong tao pa rin ang lilikha ng ating kinabukasan,”

Marami na ring tao sa ating planeta ang masasabi kong Alien o ET Contactees pero iilan ang lumalantad sa pangambang matawag silang baliw, kaya ang iba ay minabuting manahimik na lang. Narito po ang #TeamMisteryo para magsilbi niyong boses para ibahagi ang mensahe ng mga ‘bisita.’