Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga multo Ikinukulong sa Bote

0 74

Mga ka-Misteryo maniwala ba kayo na kayang ikulong ang mga multo sa bote? Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Nakausap ng #Misteryo si Mang Quentin ng Pasig at inamin niya ang kakayanan niyang magkulong ng mga salbaheng multo o ispiritu.

Misteryo: “Paano mo ginagawa yung magkulong ng mga multo sa bote?”

Mang Quentin: “Ganito yun ipinamana lang sa akin ng manong (kuya) ko ang abilidad na ito. Ginagamitan ko ng ikatlong mata para makita ko ang salbaheng multo, hinahablot ko at kulong sa bote.”

Misteryo: “Para ka palang ghost buster na nanghuhuli at nagkukulong ng mga multo at iba pang nilalang sa kabilang dimensyon. Pero paano yung sinasabi mong hinahablot mo ang mga multo?”

SM food to go Banner Ad

Mang Quentin: “Ganito yun iwawasiwas ko ang kanang kamay ko at pag nahablot ko ang multo sabay tapon sa isang bote na hawak ko sa kaliwang kamay ko.”

Misteryo: “Aba ok nga ganun lang pala yun. Para palang dumidikit sa kamay mo ang multo. Gumagamit ka ba ng orasyon sa talento mong yan? O talagang nagagawa mo ng walang orasyon.”

Mang Quentin: “Oo walang dasal o orasyon. Ako talaga gumagawa nito. Noong una hindi rin ako makapaniwala na kaya ko itong gawin. Pero ayun nagagawa ko nga.”

Misteryo: “Yung mga ikinukulong mo Ano ginagawa mo sa kanila?”

Mang Quentin: “Dinadasalan ko na tulungan sila ng mga anghel na wag nang pasaway at saka ko pinakakawalan pag ok na sila. Ayaw ko silang makulong ng mahabang panahon sa bote. Paglabas nila ok na sila. Yung iba umaakyat sa langit habang ang iba ay gusto munang dito tumambay sa buhay ng mga tao.”

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.