Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga multo, kumpulan sa ospital

0 282

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo hindi na sa sementeryo ang tambayan ngayon ng mga gumagalang kaluluwa kundi sa mga ospital.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Higit isang taon mula nang magka-pandemya at mula pa noong isang taon ay madami na ang namamatay dahil sa Covid-19. Pero sa karanasan ni Dario ng Bulacan marami siyang nakikitang mga multo sa ospital na kanyang pinaglilingkuran.

Misteryo: “Clairvoyant ka Dario so marami ka bang nakikita sa ospital na mga multo?”

Dario: “Sinabi niyo nga clairvoyant ako kaya araw-gabi ko sila nakikita. Hindi ko lang sila pinapansin kasi pag pinansin ko nilalapitan ako pero alam nila nakikita ko sila wala lang communication Ayaw ko.”

Misteryo: “Pero teka di ba sa mga ospital naman talaga madami mga multo so are you saying mas madami sila ngayon?”

Dario: “Yes mas marami sila kasi mostly mga namatay sila dahil sa covid though yung iba ibang sakit ang dahilan. Pero mas marami talaga namamatay dahi sa covid.”

Misteryo: “Para sa curiousity ng mga reader natin at fans ng Misteryo, ano ba hitsura ng mga nakikita mong multo? Mga pangit ba o nakakatakot ang hitsura?”

Dario: “Naku mali yung paniniwala ng marami na nakakatakot silang tignan pero sa katotohanan, maaawa ka sa kanila kesa matatakot ka.”

Misteryo: “Bakit mo naman nasabi na mas nakakaawa silang tignan kesa katakutan?”

Dario: “Marami sa kanila hindi kasi nila alam na patay na sila akala nila may hinihintay lang sila bilang pasyente. Yung iba nakapila pa para tawagin ang pangalan nila. May nakikita din ako lagi nakabuntot sa pamilya nila na palakad lakad sa loob ng ospital nag-aasikaso ng papeles nila. Other ghosts naman ay alam na nila patay na sila but they stay in some places sa hospital na territory nila.”

Misteryo: “Kunsabagay tama ka kaso karamihan nga untimely ang pagkamatay dahil sa Covid pero malaking bagay yung prayers sa kanila di ba?”

Dario: “Yes that’s right tama ka. Alam mo when we pray, literally nagbubukas ang heaven. Most of the time I can see the light na bumababa every time na someone is praying. Dapat Ganun nga ang gawin natin everyday. Pray natin yung namamatay sa covid pati na yung fighting for their lives na covid patients.”

Isang realidad na dahil sa pandemic ay marami na nga ang mga kaluluwa na nasa limbo mula sa mga namatay sa virus. Dapat talaga lagi tayo magdasal hindi lang sa mga namayapa kundi lalu na sa mga buhay.

Para sa inyong karanasan mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at. abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.