Abante Tonite Interactive

Mga multo sa hotel

0 357

MISTERYO
Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo nga­yon ang pinakapiyesta ng mga kaluluwa nga­yong Ghost Month kaya’t tampok natin ngayon ang mga gumagalang multo sa isang hotel sa Baguio City.

Sa kuwentong karanasan ni Jon Jon ng Caloocan, minsan silang napunta ng Baguio para sa isang okasyon.

Dahil sa napagod sila sa maghapong okasyon ay mi­nabuti nilang mag-bonding mag-relax sa tapat lamang ng tinuluyan nilang hotel.

Halos isang oras na silang nag-iinuman At kuwentuhan nang mapansin ni Jon Jon ang kaibigang si Ador na may tinitingnan sa pintuan ng kanilang hotel sa kabila lamang ng kalsada.

Jon Jon: “Pare bakit nakatingin ka sa kabilang kalsada?”
Tahimik lang si Ador pero parang napako ang kanyang paningin hanggang sa bakas sa mukha niya ang takot.

Jon Jon: “Bakit pare ano bang nakita mo? Parang takot ka na?”
Ador: “Pare nakikita mo ba ‘yung mag-lolo na nakatayo sa tapat lang ng pintuan ng inuupahan na­ting hotel?”

Jon Jon: “Hindi pare meron ba?”

Ador: “Pare alis na muna ako mukang galit sila nanlilisik ang mga mata!”
Jon Jon: “Teka pare hindi pa tayo tapos dito saan ka pupunta? Eh diyan tayo sa kabila matutulog.”

Pati ang dalawa nilang kasamahan ay medyo kinabahan sa sinabi ni Ador.

Niyaya na Lang nila si Ador na lumipat ng mapapalipasan ng oras.

Jon Jon: “Sige mauna na Lang ako sa silid natin medyo lasing na ako.”
Hindi maikaila ni Jon Jon na kabado siya pero nilakasan niya ang loob at tumawid siya sa kalsada at tumuloy sa hotel.

Pag pasok nakita niya ang isang bell boy kaya’t nagpasama siya hanggang sa dulo ng hallway pero tila ilag ang bell boy ngunit wala siyang magawa.

Umakyat sila sa 2nd floor ng hotel at biglang tumigil ang binatil­yo.

“Hanggang dito na lang po ako at may gagawin pa ko sa baba.”

Mabilis na bumaba ang bellboy at naiwang nakatayo si Jon Jon sa hagdan at kailangan na niyang pumunta sa kanilang silid.

Naglakad siya ng dahan-dahan sa mahabang pasilyo at pagdating sa gitna nakaramdam ng kilabot si Jon Jon.

Binilisan niya ang pag­lalakad pero parang may narinig siyang sumusunod sa kanya. Lumingon siya pero wala siyang nakita. Dito na tumakbo si Jon Jon hanggang sa makarating sa silid mabilis na pumasok.

Nang gabing iyon kahit medyo lasing na siya ay hindi siya makatulog, may mga ingay siyang naririnig sa labas, pero inisip niyang ingay lang ‘yun ng ibang naka-check in sa hotel.

Kinabukasan, nagtanong siya sa reception kung may nagmumulto. Alangan pang sumagot ang empleyado pero inamin niya na may mga gumagalang multo sa kanilang hotel, may mga customer na rin silang inatake.

Nagtanong pa si Jonjon kung may naka-check in sa katabing silid nila, nangilabot siya ng malaman niyang sila lang ang nasa 2nd floor na akala niya ay may iba pang customer sa mga katabi nilang silid.

Karaniwan nang may mga multo sa mga hotel ngunit karamihan Lang ay paramdam may ibang nagpapakita. Sa ganitong pagkakataon, maaaring mag-alay ng dasal para sila ay mamayapa.

Para sa inyong mga nakakatakot na karanasan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Happy Ghost Month sa lahat.