Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga multo sumalisi sa condo

0 124

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo nagulantang na ba kayo pag-uwi niyo ay may nagkukumpulang multo sa inyong bahay?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Eunice ng Makati ay madaling araw na kung makauwi mula sa kanyang trabaho pero minsan nagulat siya nang bubuksan niya ang pinto ng kanyang condo may naririnig siyang nag-uusap sa loob. Nag-alangan siyang pumasok pero nilakasan niya ang kanyang loob.

Misteryo: “Teka, wala ka bang kasama sa condo unit mo? O solo ka lang?”

Eunice: “Yes ako lang since na lumipat ako last year kaya nga kinabahan ako when I heard some voices inside.”

Misteryo: “Naku! Baka naman may dumating ka lang na visitors at gusto ka nilang ma-surprise?”

Eunice: “Impossible kasi mahigpit sa condo namin. Hindi ka pwede pumasok ng walang permit. That means kailangan alam ko kung may darating akong guest.”

Misteryo: “I see so what happened next? Binuksan mo yung door ng unit mo, ano nakita mo?”

Eunice: “Wala akong nakitang tao but I can see some shadows inside… iba-iba yung energies inside. I know may presence sa loob ng unit ko. Hindi lang isa but marami sila.”

Misteryo: “Anong ginawa mo? Kinausap mo ba sila? Are they ghosts? Elementals? What kind of entity sila?”

Eunice: “I could sense the presence of human souls inside andun sila but no communication. Hindi ko masagap kung may message sila. Pero pakiramdam ko takot sila kasi galit ako I felt I was robbed may ibang nakapasok sa condo unit ko.”

Misteryo: “Napaalis mo ba sila? Anong next na nangyari?”

Eunice: “Nag-die down naman yung galit ko and I tried sending good energies for them para ma-appease sila at masabi kung ano request nila.”

Misteryo: “Nagrespond ba sila? Ano sabi nila sayo?”

Eunice: “Not clear but I used my senses to understand them. Looks like gusto nila prayers and need someone to listen to them. Well I prayed for them to ascend. I asked for angelic help para to guide them. Then suddenly I felt strange energies, higher vibration maybe from angelic beings. Then afterwards cleared na yung unit ko.”

Prayers can help. We can do this kung may gumagalang kaluluwa or spirits around. Para sa inyong kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.