Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Multo Tambay sa Parking

0 110

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo kayo ba ay may nakita nang mga multo sa mga parking area tulad ng karanasan ni Pete ng Mandaluyong.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Pete ay nakatira sa isang sikat na condo building sa Mandaluyong at nakasanayan na niyang tumambay sa kanyang kotse ng ilang minuto pagkauwi at pagpark pasado hatinggabi.

Bigla siyang napatunganga habang nakikinig ng music sa loob ng kanyang sasakyan nang makita niya ang mga multo na magkasunod na dumaan sa harap.

Misteryo: “Curious ako dun sa mga multo na magkasunod mong nakita. Ano ang hitsura nila? Nakakatakot ba?”

Pete: “Ngayon lang ako nakakita ng multo bro kasi ayaw ko talaga maniwala pero nang makita ko sila nabago na ang routine ko pagdating mula sa work. Hitsura nila? Alam mo yung blurred na shadow mga ganun hitsura nila medyo aninag ko yung head nila pero hindi yung face.”

Misteryo: “Para bang distorted yung face nila? Nakalutang ba sila?”

Pete: “Yes distorted face nga nila pero magkaiba color ng shadow – black and white. Yung isang ghost white shadow then yung isa ay black.”

SM food to go Banner Ad

Misteryo: “So dalawa silang nakita mo? May ginawa ba sila? What I mean is – tinakot ka ba? Bigla ba humarap sayo or sinugod ka?”

Pete: “Wala naman ganun na nangyari. Dumaan lang talaga sila kasi pababa yung way na yun sa parking. Maybe hindi rin nila ako napansin na nakatingin sa kanila.”

Misteryo: “Paano yung movement nila? Forward na para bang flying sila or hovering sila?”

Pete: “Well floating ata ang tamang term moving forward sila.”

Misteryo: “Yun bang from neck pababa clear ba yung nakita mo?”

Pete: “Malabo bro para kasing nalilipad sila ng hangin. Kung dati hindi ako naniniwala sa ghost ngayon after this you can count me in. Believe na ako andyan nga sila.”

Misteryo: “I’m sure after that encounter may next ka pang experience with ghosts kaya be ready kasi open na ang clairvoyance mo.”

Pete: “Naku sana wag muna bro pero kung makakita man ako at least now may idea na ako. Wag lang demonic type baka delikado ako.”

Para sa inyong kuwentong kababalaghan ng Misteryo, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.