Abante Tonite Interactive

Mga MWSS official tagilid kay Duterte

529

By Aileen Taliping

Ipinahiwatig na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal na posibleng sibakin nito sa puwesto bago o pagkatapos ng Semana Santa.

Sa kanyang pagsasalita sa campaign rally ng PDP-Laban sa Malaybalay, Bukidnon Sabado nang gabi, sinabi ng Pangulo na ayaw niya sa lahat ang korapsiyon.

Ilang cabinet member na aniya ang kanyang sinibak dahil sa korapsiyon at mayroon pang masisibak sa susunod na linggo.

Bagama’t hindi tinukoy ng Pangulo kung sino ang mga mapapasama sa mahabang listahan na ng mga sinibak niya sa puwesto, hindi nito napigilan ang magmura dahil sa naganap na water crisis sa ilang lugar sa Metro Manila.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kada taon ay mayroong El Niño pero walang ginawa ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para paghandaan ito bago pa man dumating ang tagtuyot.

“Kanang korapsiyon dili gyud puwede ana. Pila na gud cabinet members na akong gipawa. Naa pay mo sunod, sunod semana. T******, trabaho ninyo eh. MWSS anak ka ng p***, kada seasonal naagi ng El Niño. Anong wa man ninyo preparahe? Napagkahuman, pag-abot ng el niño wa man tubig p********!” galit na pahayag ng Pangulo.

Matatandaang nakaranas ng kakapusan sa supply ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila noong huling linggo ng Marso dahil nagkaproblema umano ang pasilidad ng Manila Water Company.