Abante Tonite Interactive

Mga na-ashfall na skateboarder, windsurfer humihingi ng tulong

154

Humiling ng tulong ang mga miyembro ng national team na naapektuhan sa pagputok ng Bulkang Taal partikular ang windsurfing­ at skateboarding na mga nakabase sa apektadong lugar sa Batangas.

May ilang windsurfer­ ang kasaluku­yang mga nagsasanay at naninirahan sa Mabini, Batangas na isa lang sa mga bayan na nakalagay sa Alert Level 4 sapul pa nitong Linggo dahil sa kalamidad.

“We also know that we cannot keep our training hanging for days, so we are now considering some alternatives like moving to Subic Bay Zambales or somewhere in Northern Luzon,” pagsisiwalat Huwebes ni Phili­ppine Windsurfing Association, Inc. President Manny Cabili.

Walang tinukoy munang mga pangalan ang opis­yal, pero kabilang na nasa lalawigan si 2019 SEA Games gold medalist, nasa koponan din ang kapwa niya world champion na si Yancy Kaibigan.

Gaya ng windsurfer, nanawagan din si national skateboarder Mark Feliciano Jr. sa kanyang mga kapwa atleta tapos matabunan ng abo ang bagong gawang tatlong ektaryang Skate Park na nasa Tagaytay City, at isa rin sa naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

“Nakakalungkot po kasi ang daming naapektuhan kasama na po ung skate park,” sabi 22-anyos na manlalarong na nagsasanay na sa Hong Kong na makita na natakpan ng ashfall ang pasilidad at ‘di magagamit na playing venue. (Lito Oredo)