Abante Tonite Interactive

Mga nag-resign na PhilHealth director ‘di pa lusot sa kaso — DOJ

372

Hindi pa absuwelto sa kaso ang mga nagsipagbitiw na board of directors ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) matapos na pumutok ang kontrobersyal na ‘ghost dialysis’ claim.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevara na hindi nangangahulugan na nakaalpas na sila sa posibleng pananagutan nila sa naubos na P100 bilyong pondo ng PhilHealth dahil sa ghost claim.

Inatasan na umano ni Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na alamin ang posibleng kriminal na pananagutan ng mga ito sa ghost claim.

Ang anim na iba pang PhilHealth Board members na nagsipagbitiw ay sina Jack Arroyo, elected local chief executive; Rex Maria Mendoza, independent director ng Monetary Board; Hildegardes Dineros ng information economy sector; Celestina Ma. Jude dela Serna ng Filipino overseas workers sector; Roberto Salvador ng formal economy sector; at Joan Cristine Reina Liban-Lareza ng the health care provider sector. (Juliet de Loza-Cudia)