Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga naghain ng COC `di pa kandidato – Comelec

0 58

Nilinaw ng isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na hindi ipinagbabawal sa batas na mangampanya ang mga politiko na naghain pa lamang ng certificate of candidacy (COC) para sa halalan sa susunod na taon.

Ipinaliwanag ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na hindi pa tinuturing na kandidato ang isang politika na naghain ng COC.

“No prohibitions yet for those who filed COC. They remain to be aspirants and not yet considered as candidates,” pahayag ni Guanzon sa kanyang Twitter account.

Aniya, ang mga nagsumite ng COC ay ituturing lamang na ganap na kandidato sa panahon ng campaign period.

SM food to go Banner Ad

“[They] are covered by Comelec rules on campaigning only at the start of campaign period,” dugtong pa ni Guanzon.

Bukod dito, una na ring sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi kinikilala ang premature campaigning sa usapang ligal.

“So whatever they’re doing now will not be characterized as criminal premature campaigning. It will be characterized as freedom of expression,” wika ni Jimenez.

Ang campaign period para sa mga kandidato sa national position ay magsisimula sa Pebrero 8 habang Marso 25 naman para sa mga lokal na puwesto. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.