Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga NAIA worker kabado sa bentahan

0 264

Nagpahayag ng mahigpit na pagtutol ang grupo ng mga empleyado ng Manila International Airport kaugnay ng mungkahing ibenta ang malawak na lupaing kinatatayuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Inilutang ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang pagbebenta sa NAIA upang madagdagan umano ang pondo ng gobyerno.

Ayon kay Andy Bercasio, pangulo ng Samahan ng mga Mangagawa ng Paliparan, nasa mahigit 1,000 silang mga regular na empleyado na hayagang tumututol sa hakbanging ito.

Sina Dominguez at DOTr Secretary Art Tugade ang matagal nang nagnanis aniya na na ibenta ang NAIA.

Ayon kay Barcasio, nagtataka naman silang mga empleyado kung bakit nais na ibenta ang paliparan sa kabila ng malaki naman ang kinikita nito.

Una nang tinutulan aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahing ibenta ang NAIA pero ngayong papasok na ang bagong administrasyon ay muling nanumbalik ang kanilang pangamba sa nakikitang pagbuhay sa pagsasapribado ng paliparan. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.