Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga nakakatulog sa POC miting ‘wag ng tumakbo

0 69

Pansamantalang hindi po muna marathon ang paksa ng TP ngayong Miyerkoles.

Natalakay ko na po ang ilang astig nating marathon runner o marathoner sa dalawang buwan. Pahinga po muna ako sa research ng kanilang mga personal data at accomplishment dahil po ilang araw nang brownout sa amin sa GMA, Cavite.

Kahit naka-data ako sa Globe ayaw gumana ng aking Viber. Grabe signal sa aming lugar. Nabiyahe pa ako ng Silang, Cavite para makapagtrabaho, magsara ng Abante TONITE Sports page.

Sana magkakuryente na sa amin. Paging Manila Electric Company (Meralco)!

***

Nitong nakaraang linggo lang, aksidente kong napihit ang aking AM-FM radio sa Radyo Singko sports program ni dating Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Jose Emmanuel Eala.

Natawa at sinasang-ayunan ko ang mungkahi ng guest niyang si Ormoc City Mayor Richard Gomez, pangulo rin ng Philippine Fencing Association (PFA) at Philippine Modern Pentathlon Association (PMPA).

Nirekomenda ni Goma na pagwabalan nang tumakbo ang mga senior citizen sa susunod na buwang halalan sa Philippine Olympic Committee (POC).

Aniya, marami sa kasalukuyang nabuo sa POC executive board ang ‘tanders’ na at madalas napagkakatulog sa mga pulong kaya dapat nang ipasa ang kanilang sulo (puwesto) sa mga mas nakababatang tulad niya.

He, he..

Leave A Reply

Your email address will not be published.