Abante Tonite Interactive

Mga nakisawsaw kay Kian

6

Dear Sir:

Maraming nakisawsaw sa pagkamatay ng binatilyong si Kian delos Santos, ang batang adik umano na napatay ng mga pulis-Caloocan.

Tunay nga namang masakit mawalan ng mahal sa buhay lalo na at kung tunay na inosente ito. Nagpahayag naman si Pangulong Duterte na mananagot ang dapat managot, basta hayaan muna gumulong ang imbestigasyon.

Abante Hiring – IT dep

Sa kabilang banda, hindi talaga magandang ginagamit ng mga dilawan at makakaliwa ang pagkamatay ng binata laban sa pangulo.

Kung tutuusin, marami ang biktima ng mga adik sa ating bansa, hindi na ito bago ngunit nakakapagtaka lamang ngayon nag iingay ang mga ‘anti-Duterte’ kontra sa pagkamatay umano ng inosenteng sibil­yan.

Politics studded ang burol ni Kian, pumunta si Risa Hontiveros at nakihagulgol sa iyak si Trillanes at nakipagkape naman si Binay.

Maraming namatay na sibilyan dahil sa mga adik, pero dahil ga­lamay ni Digong ang nakapatay heto at dinagsa ng mga pulitiko. Kakaiba talaga ang mga ‘anti-Duterte’ sanib-pwersa talaga sila.

‘Wag gano’n mga pare at mare, respeto naman sa pamilyang nagluluksa, hindi dapat kayo namumulitika, mag-artista na lang kayo.

Jamaica Rey
Compostela Valley

***

Dear Sir:

Magkakasunod na krimen ang ginawa ng Abu Sayyaf Group. Matapos silang mambulabog, magsunog at pumatay sa isang bayan sa Maluso, ninakawan at pinugutan nila ang isang da­ting sundalo sa Brgy. Upper Mahayahay sa parehong bayan.

Malinaw na ang ASG ay halang ang mga ka­luluwa. Ang ginagawa nilang pagpatay ng mga inosenteng sibilyan ay isang pangitain na desperado na sila makipag­laban sa militar. Kaya naman sibilyan ang binaba­lingan nila upang makahingi ng pansin.

Matatandaang ang lider nila na si Isnilon Hapilon ay inabandu­na sila at mas piniling sumama sa Maute Group, na mas may pondo kumpara sa kanila. Tumaas na rin ang bilang ng mga miyembro ng ASG na sumusuko sa pamahalaan.

Ngayon ay nais naman ng mga taga-Brgy. Tubigan na magkaroon ng detachment sa kanilang lugar upang mapigilan ang pag-atake ng mga bandido.

Nagpapakita lamang ito na sawa na ang mga sibilyan sa ginagawang perwisyo ng mga rebelde at teroristang grupo.

Klein De Guia
Guagua, Pampanga

***

Dear Sir:

Sa kabila ng kumakalat na balita mula sa Patriotic and Development Movement (PADEM) ay nagpahayag pa rin ng suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines at ang Philippine Natio­nal Police.

Sinabi pa ni AFP spokesman Brigadier General Restituto Padilla Jr. na buong suporta ang men and women in uniformed at maging mga sibilyang empleya­do ng AFP kay pangulong Duterte.

Malamang sa malamang propaganda na naman ito ng makakabila, mapapansing nauna nang sinabi ng Communist Party of the Philippines na may plano umano ang militar na ipapatay si Sison at patalsikin si Duterte sa tulong ng US, mga haka-hakang sinundan ng ganitong balita.

Kung sino man ang tagapagsalita, paniguradong tuta ‘yan ni Sison. Maging segurista tayo sa panahon ngayon­ maraming mga pekeng balita.

Nishen Avalde
Romblon