Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga namatay na OFW pararangalan

0 321

Ang libu-libong mga manggagawa sa ibang bansa na namatay sa buong mundo ay karapat-dapat sa lahat ng karangalan na maibibigay ng gobyerno, ayon ito kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ginawa ng kalihim ang pahayag habang ang gobyerno ay kumikilos sa pagpapauwi nito sa mga labi ng daan-daang mga OFW na namatay sa Saudi Arabia sa pagdating ng ikatlong batch, na karamihan ay nasawi dahil sa coronavirus.

Naiuwi ng DOLE ang 137 labi nitong buwang ito kung saan may 71 pang darating sa isang grand reception sa Martes, Hulyo 28.

Sinabi ni Bello na ang kondisyon ng estado para sa mga naiwan na labi ng mga OFW ay nararapat. “Our OFW heroes deserve all the honors they could get,” dagdag pa niya.

“I say they fought a good fight because just like what our migrant workers are known for, they worked tirelessly to make good for their families, and contributed immensely to our country,” sabi pa ng kalihim. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.