Abante Tonite Interactive

Mga nanalong Meralco bidder pinasusuri sa ERC

206

Nanawagan ang Infrawatch PH sa Energy Regulatory Commission (ERC) na suriin ang mga nanalong bidder sa pagsusuplay ng kuryente sa Manila Electric Company para malaman kung nasunod ang utos ng Korte Suprema na competitive selection process (CSP).

Sabi ng Infrawatch PH, kailangang tingnan na ng ERC ang mga nanalong bidder kung ito nga ba ang magbibi­gay ng pinakamababang presyo sa mga consumers.

“Generation costs have always been the most expensive component of our monthly electricity bills and we would like to see further decrea­ses in our generation rates in the years to come,” sabi ni Infrawatch PH convenor Terry Ridon kahapon.

Sa tipid na 28 sentimos per kilowatt hour na lumabas sa bidding, aabot ang matitipid ng isang pamilya sa P6,720 sa loob ng 10 taon kung ang konsumo nila ay nasa 200 kWh sa isang buwan. Ang matitipid ay maaari pang ilaan ng mga pamilya sa iba pang mga gastusin tulad ng tuition ng kanilang mga anak.

“We trust that the ERC will study the CSP results and confirm whether the least costs have been obtained du­ring the bid process. If the prices can further be reduced, this will most de­finitely be welcomed,” sabi ni Ridon.

(Eileen Mencias)