Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga nang-ambus sa PNP Aviation officer pinaniniwalaang dayo

0 14

Naniniwala ang hepe ng Philippine National Police sa Capas, Tarlac na dayo ang mga suspek na nagtumba sa kabaro nila noong Martes.

Sinabi ni Col. Renante Cabico, provincial director ng Tarlac Police Provincial Office, na bahagi ito ng mga paunang imbestigasyon nila kaugnay sa pananambang kay SSgt. Michael Icban Maun, miyembro ng PNP Aviation Group na nakabase sa Clark International Airport, Pampanga.

“Dito po sa Tarlac, wala na kaming criminal gang na gumawa nito. Kaya sa tingin namin, nakakatutok kami sa investigation na ang mga grupong ‘yon ay galing labas po.”

Hinihintay na aniya nila ang forensic evidence para makatulong sa pagkakakilanlan ng mga salarin. Matatandaang lulan ng kanyang kotse ang biktima nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki matapos itong harangin sa Block 10 ng Barangay Cristo Rey, Capas dakong alas-6:40 ng umaga.

SM food to go Banner Ad

“Sa ngayon po, may tinututukan na kaming anggulo. Pero sa ngayon po, kulang pa kami sa other evidence o lead.

Although, hinihintay po namin ang forensic evidence na aming ni-request, like ‘yong enhancement nong video at ‘yong mga fingerprint na nakuha sa getaway vehicle na inabandona ng mga suspek,” ani Cobico.

Nakuhanan ng CCTV ng Barangay Cristo Rey ang insidente.

Samantala, naglaan ng P200,000 pabuya ang lokal na pamahalaan ng Capas sa sino mang makatutulong sa imbestigasyon. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.