Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga napilayang player dinamayan ni Marcial

0 43

Lumakas ang loob sa kabila ng pagkaka-injured ng ilang mga manlalaro ng PBA nang personalna mga itong asikasuhin ni Commissioner Willie Marcial.

Mismong ang 59-anyos na pro league boss ang lumapit at nagbigay suporta sa mga napilayang manlalaro gaya nina Terrence Romeo ng San Miguel Beer, Kevin Racal ng Alaska Milk, Jericho Cruz ng NLEX, at TNT veteran Roger Ray Pogoy at rookie Kib Montalbo.

“Nangamusta siya sa amin,” pahayag ni Pogoy na nagka-sprained left ankle kontra SMB. “Sobrang na-appreciate ko yun.”

Nakausap na rin ni ‘Kume’ ang umuwing Romeo na dumanas ng dislocated shoulder. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.