Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga nars wanted sa Valenzuela

0 66

Wanted ngayon sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ang mga registered nurse.

Pero hindi upang ikulong kundi para bigyan ng trabaho at isabak sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Valenzuela LGU, maaaring magtungo sa city health office ang mga interesado at kinakailangan na magsumite ng kanilang resume.

Itatalaga ang mga matatanggap na nars sa mga isolation facility, City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) at mga vaccination center.

Kulang na kulang sa mga nars ang Valenzuela, lalo pa’t tumataas ang kaso ng COVID-19 at kailangan ang mga ito upang mabakunahan ang may 600,000 populasyon ng lungsod. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.